Wednesday, August 28, 2024

Filipino coping strategies: COVID case

 "Para sa akin nung nalaman ko na napili ang Tala Hospital na COVID Hospital, siyempre nandun ang TAKOT ko at iniisip ko na kaya ba ng Hospital mag accommodate ng ganitong sakit? at tako din ako mahawa sa pasyente, pero naisip ko din na meron naman ginagawang ORIENTATION at TRAINING sa empleyado kaya kahit papano yung takot na nararamdaman ko ay nabawasan. at nung nalaman ko na ipapasok ako sa loob para magbantay sa loob natatakot talaga ako , pero iniisip ko na lang basta magagawa ko na maayos ang aking TRABAHO hindi naman ako mapapabayaanng DIYOS at sa suporta ng aking MGA KASAMA, ASAWA at PAMILYA, KAIBIGAN ay lumalakas ang aking LOOB."