Re: “Loob ng Tao”
Fr: Albert E. Alejo, SJ*
(2017, largely revised from the first and last parts of his 1990 book Tao
po! Tuloy: Isang landas ng pag-unawa sa loob ng tao. In Pe-Pua, R. (Ed.)
2018 Habdbuk ng Sikolohiyang Pilipino, Bolyum 1, pp. 368-381.
(*PhD Social Anthropology,
University of London School of Oriental and African Studies)
>p. 370 Pagsasalarawan
(Description) ng Loob
“…una, bilang pinaghuhugutan
ng LAKAS at UDYOK na magpakatao at lumaya; sa pangalawa, bilang pag-ako at
pagsagot sa KAPWA. Ano nga kaya itong UBOD NG PAGKATAO at nakapaglalaman
ng maraming bagay at kapwa?... na nakapagpapakilos sa saambyanan?... tila
siyang nagpapadakila sa tao?”
>p. 368 Mga Lawarawan (metaphors)
ng Loob
1. Bahay Kubo – “kahit munti,
ang halaman doon ay sari-sari”; pag kumatok ka at pinapasok, buksan ang bintana
at matutuklasan ang loob na may malawak na ugnayan sa higit sa loob at kadugtong
ng loob
2. Mga Pulo – sa ibabaw ay
magkakahiwalay, ngunit pag nagpalalim ka sa pagsisid, matutuklasan mo na sa
kailalaiman, sila pala ay magkakaugnay
>p. 370 Mga “Haligi na
Balangkas”* (structural pillars) ng Loob
1. Abot**-Malay [Cognitive]
2. Abot-Dama [Affective]
3. Abot-Kaya [Behavioral –
labels mine]
p. 378 “Ano ngayon ang kaugnanay
ng abot ng loob sa abot-tanaw ng mayroon [being] o ng sang-umiiral [existence]?
Ang loob ng tao ay isang daigdig sa loob ng abot-tanw ng sang-umiiral. Ang
lawak ng ABOT-MALAY, ang lalim ng ABOUT-DAMA, at ang laman ng ABOT-KAYA – lahat
ng ito ay nasa higit na lawk at higit na lami at ibayong kasiksika at kahitikan
ng sang-umiiral! Sa katunayan, maging ang ‘wala sa loob ko’ ay nasa loob pa rin
ng abot-tanat ng mayroon.”
*”… ang damdamin, bilang
isang haligi na BALANGKAS ng daigdig ng loob….” (p. 379)
** “… ang ‘abot’ ay may
kinalaman sa pagigign KAYANG MADATMAN o MAKUHA o mahabol ng mga bagay. (p. 376)
** pp. 376-377 Alejo prefers
“abot” to the “sakop” of Fr. Leonardo Mercado, SVD since the latter implies
hierarchy, power, and subjugation.
Illustration:
p. 371 Buo ang loob kong
gawin [Behavioral] ang isang bagay kapag “may liwanang akong natatanaw sa
landas na kaharap ko sa hinaharap” [Cognitive] at malakas ang loob ko kapag
alam kong hindi ako nag-iisa at may makakapitan [Affective].
p. 371 “Kaya nga kapag
pumatay ka ng isang tao … binubura mo na rin ang isang daigdig, isang daigdig
ng MALAY, ng DAMA, at ng KAYA, daigdig ng mga posibilidad, ng mga kaya pa sana
niyang mamalayan, madama, at makakaya.”
>Mga Kahinaan (weaknesses)
of Loob
p. 379 “Ang
PANGUNGULIMLIM ng abot-malay, ang PANLILIGAMGAM ng abot-dama at ang PAMUMULIKAT
ng abot-kaya ay lamat sa daigdig ng aking loob. Napipigilan ang loob na umabot
sa tumpak nitong hantungan.”
>Integration / alignment
of loob [invisible] at katawan* [visible]
p. 372 “… ang kasabay na
tanong sa bawat pagpapsiya, sa bawat pabguguo ng loob, ay may kaakibat na ‘Kaya
ba ng katotohanan ng iyong KATAWAN ang pabubuo ng iyong LOOB?’ Kasinglakas
ba ng iyong LOOB ng iyong TUHOD?” (caps mine)
·
“… katawan may have been developed from ka+tawo+an
….” (Diksyonaryo; Tesauro” Pilipino-Ingles. Lungsod Quezon: Manlapaz Publishing
Company).
>Relation between loob and
kapwa
p. 377 “Ang loob ay isang
tahanan; dito, ang kapwa ay kasambahay.”
p. 374 “Sa tao, at hindi lang
sa Pilipino, ang PAMUMUHAY ay PAKIKIPAMUHAY.” (caps mine)
p. 379 “… ang kadakilaan ng
loob ay nasa PAGBUBUKAS.” (caps mine)
>The social &
spiritual sources of Lakas ng Loob
NB: Alejo also uses and
appears to prefer “Tibay ng Loob”
p. 374 “Paano nakakaya ng
isang maysakit ang kanyang nadarama? Sa pagbibigay ng lakas ng loob ng katabing
NAGBABANTAY. Hindi siay pinababayaang mag-isa. At kahit nan ga wala siyang
katabi, maaari pa ring mabuhayan ng loob kung gigisingin niya sa kayang loob
ang kinagawang PAGSISIKAP ng kanyang mga kamag-anak na kaya wala roon ay
naghahanap ng paraan upang makabili ng gamut” (caps mine)
p. 375 “Ang tibay ng loob ay
hindi kailanman isang indibidwal na birtud lamang na sarili ng mgay katawan.
Ang loob ay isang daigndig ng PAGDADAMAYAN.”
p. 379 “… ang dinamismo ng
PAGPAPALAKAS NG LOOB…. Ang PAGDALAW o PAGTAPIK sa balikat, o kahit ang isang
mutning PAGPAPAHAYAG NG SUPORTA….”
p. 380 “Totoo, ang aking
kalayaan ay nakasalalay sa sariling galaw ng aking LOOB, subalit possible
lamang ito sa loob ng isang daigdig na mayroon akong KASAMA, sapagkat kung ako
lang, hindi ko alam kung hanggang saan ang aking abot. Kailangan kong mamulat
na HINDI AKO NAG-IISA, na kahit ano ang mnagyari, mayroon akong KAPILING na
KAPANALIG na KAPWA ko na nagnanasang magpakatao at lumaya ring tulad ko. At sa
gitna ng ugnayang ito, mayroon pa akong makakapitang lubos na kasama ko, narito
sa PINAKALOOG ng LOOB ko at hindi ako iiwan. Siya ang PINAKANAKIKIANGKOT sa
lahat ng galaw ng aking LOOB.” (caps mine)
p. 375 “Hindi natutulog ang Diyos.”
>Paglalagom
p. 380 “Wala akong nalikhang
depinisyon. Hindi ito, kung sa bagay, ang aking intensiyon. At kung may isang
damdaming nais kong maiwan sa mambabasa, ito ay wala ng iba kundi ang sabay na
pagkabitin at pananabik sa ibayong daraing.
“Sa ngayon, lumilitaw lamang na ang loob ay
isang kumpol-diwang talagang hitik at siksik sa kayamanan…. ang loob ay hindi
lamang pala isang pitak ng puso o luklukan ng mga damdamin, isip at alaala,
hindi ito isang sulok lamang ng dibdib, kundi isang malawak at malalim na
daigdig ng sari-sari at sabay-sabay na UGNAYAN sa sarili, sa kapwa, sa mga
bagay, sa panahon, sa lipunan, sa buong kalikasan at sa Maykapal.”
“… KOLEKTIBONG loog ng bayan,
at maging sa karanasang MISTIKAL.”
“…. PAKIKI-ISANG LOOB sa
kapwa….”
PS: “… ang pagpapatawad ay
tila isang PAGLINIS ng loob, paghawan ng kalooban, upang bigyan muli ng puwang
ang ibang Nawala dahil sa pgkakasala” (p. 377).
=====================================================
LOOB = “RELATIONAL INTERIORITY” (https://wikipedia.org.wiki/Albert_Alejo