Wednesday, November 1, 2023

loob by fr albert e. alejo, sj (2017, 2018)

 Re: “Loob ng Tao”

Fr: Albert E. Alejo, SJ* (2017, largely revised from the first and last parts of his 1990 book Tao po! Tuloy: Isang landas ng pag-unawa sa loob ng tao. In Pe-Pua, R. (Ed.) 2018 Habdbuk ng Sikolohiyang Pilipino, Bolyum 1, pp. 368-381.

(*PhD Social Anthropology, University of London School of Oriental and African Studies)

 

>p. 370 Pagsasalarawan (Description) ng Loob

“…una, bilang pinaghuhugutan ng LAKAS at UDYOK na magpakatao at lumaya; sa pangalawa, bilang pag-ako at pagsagot sa KAPWA. Ano nga kaya itong UBOD NG PAGKATAO at nakapaglalaman ng maraming bagay at kapwa?... na nakapagpapakilos sa saambyanan?... tila siyang nagpapadakila sa tao?”

 

>p. 368 Mga Lawarawan (metaphors) ng Loob

1. Bahay Kubo – “kahit munti, ang halaman doon ay sari-sari”; pag kumatok ka at pinapasok, buksan ang bintana at matutuklasan ang loob na may malawak na ugnayan sa higit sa loob at kadugtong ng loob

2. Mga Pulo – sa ibabaw ay magkakahiwalay, ngunit pag nagpalalim ka sa pagsisid, matutuklasan mo na sa kailalaiman, sila pala ay magkakaugnay

 

>p. 370 Mga “Haligi na Balangkas”* (structural pillars) ng Loob

1. Abot**-Malay [Cognitive]

2. Abot-Dama [Affective]

3. Abot-Kaya [Behavioral – labels mine]

 

p. 378 “Ano ngayon ang kaugnanay ng abot ng loob sa abot-tanaw ng mayroon [being] o ng sang-umiiral [existence]? Ang loob ng tao ay isang daigdig sa loob ng abot-tanw ng sang-umiiral. Ang lawak ng ABOT-MALAY, ang lalim ng ABOUT-DAMA, at ang laman ng ABOT-KAYA – lahat ng ito ay nasa higit na lawk at higit na lami at ibayong kasiksika at kahitikan ng sang-umiiral! Sa katunayan, maging ang ‘wala sa loob ko’ ay nasa loob pa rin ng abot-tanat ng mayroon.”

 

*”… ang damdamin, bilang isang haligi na BALANGKAS ng daigdig ng loob….” (p. 379)

** “… ang ‘abot’ ay may kinalaman sa pagigign KAYANG MADATMAN o MAKUHA o mahabol ng mga bagay. (p. 376)

** pp. 376-377 Alejo prefers “abot” to the “sakop” of Fr. Leonardo Mercado, SVD since the latter implies hierarchy, power, and subjugation.

 

Illustration:

p. 371 Buo ang loob kong gawin [Behavioral] ang isang bagay kapag “may liwanang akong natatanaw sa landas na kaharap ko sa hinaharap” [Cognitive] at malakas ang loob ko kapag alam kong hindi ako nag-iisa at may makakapitan [Affective].

 

p. 371 “Kaya nga kapag pumatay ka ng isang tao … binubura mo na rin ang isang daigdig, isang daigdig ng MALAY, ng DAMA, at ng KAYA, daigdig ng mga posibilidad, ng mga kaya pa sana niyang mamalayan, madama, at makakaya.”

 

>Mga Kahinaan (weaknesses) of Loob

p. 379 “Ang PANGUNGULIMLIM ng abot-malay, ang PANLILIGAMGAM ng abot-dama at ang PAMUMULIKAT ng abot-kaya ay lamat sa daigdig ng aking loob. Napipigilan ang loob na umabot sa tumpak nitong hantungan.”

 

>Integration / alignment of loob [invisible] at katawan* [visible]

p. 372 “… ang kasabay na tanong sa bawat pagpapsiya, sa bawat pabguguo ng loob, ay may kaakibat na ‘Kaya ba ng katotohanan ng iyong KATAWAN ang pabubuo ng iyong LOOB?’ Kasinglakas ba ng iyong LOOB ng iyong TUHOD?” (caps mine)

 

·         “… katawan  may have been developed from ka+tawo+an ….” (Diksyonaryo; Tesauro” Pilipino-Ingles. Lungsod Quezon: Manlapaz Publishing Company).

 

>Relation between loob and kapwa

p. 377 “Ang loob ay isang tahanan; dito, ang kapwa ay kasambahay.”

p. 374 “Sa tao, at hindi lang sa Pilipino, ang PAMUMUHAY ay PAKIKIPAMUHAY.” (caps mine)

p. 379 “… ang kadakilaan ng loob ay nasa PAGBUBUKAS.” (caps mine)

 

>The social & spiritual sources of Lakas ng Loob

NB: Alejo also uses and appears to prefer “Tibay ng Loob”

 

p. 374 “Paano nakakaya ng isang maysakit ang kanyang nadarama? Sa pagbibigay ng lakas ng loob ng katabing NAGBABANTAY. Hindi siay pinababayaang mag-isa. At kahit nan ga wala siyang katabi, maaari pa ring mabuhayan ng loob kung gigisingin niya sa kayang loob ang kinagawang PAGSISIKAP ng kanyang mga kamag-anak na kaya wala roon ay naghahanap ng paraan upang makabili ng gamut” (caps mine)

 

p. 375 “Ang tibay ng loob ay hindi kailanman isang indibidwal na birtud lamang na sarili ng mgay katawan. Ang loob ay isang daigndig ng PAGDADAMAYAN.”

 

p. 379 “… ang dinamismo ng PAGPAPALAKAS NG LOOB…. Ang PAGDALAW o PAGTAPIK sa balikat, o kahit ang isang mutning PAGPAPAHAYAG NG SUPORTA….”

 

p. 380 “Totoo, ang aking kalayaan ay nakasalalay sa sariling galaw ng aking LOOB, subalit possible lamang ito sa loob ng isang daigdig na mayroon akong KASAMA, sapagkat kung ako lang, hindi ko alam kung hanggang saan ang aking abot. Kailangan kong mamulat na HINDI AKO NAG-IISA, na kahit ano ang mnagyari, mayroon akong KAPILING na KAPANALIG na KAPWA ko na nagnanasang magpakatao at lumaya ring tulad ko. At sa gitna ng ugnayang ito, mayroon pa akong makakapitang lubos na kasama ko, narito sa PINAKALOOG ng LOOB ko at hindi ako iiwan. Siya ang PINAKANAKIKIANGKOT sa lahat ng galaw ng aking LOOB.” (caps mine)

 

p. 375 “Hindi natutulog ang Diyos.”

>Paglalagom

p. 380 “Wala akong nalikhang depinisyon. Hindi ito, kung sa bagay, ang aking intensiyon. At kung may isang damdaming nais kong maiwan sa mambabasa, ito ay wala ng iba kundi ang sabay na pagkabitin at pananabik sa ibayong daraing.

   “Sa ngayon, lumilitaw lamang na ang loob ay isang kumpol-diwang talagang hitik at siksik sa kayamanan…. ang loob ay hindi lamang pala isang pitak ng puso o luklukan ng mga damdamin, isip at alaala, hindi ito isang sulok lamang ng dibdib, kundi isang malawak at malalim na daigdig ng sari-sari at sabay-sabay na UGNAYAN sa sarili, sa kapwa, sa mga bagay, sa panahon, sa lipunan, sa buong kalikasan at sa Maykapal.”

 

“… KOLEKTIBONG loog ng bayan, at maging sa karanasang MISTIKAL.”

“…. PAKIKI-ISANG LOOB sa kapwa….”

 

PS: “… ang pagpapatawad ay tila isang PAGLINIS ng loob, paghawan ng kalooban, upang bigyan muli ng puwang ang ibang Nawala dahil sa pgkakasala” (p. 377).

 

=====================================================

LOOB = “RELATIONAL INTERIORITY” (https://wikipedia.org.wiki/Albert_Alejo

 

No comments: